Lanie's posts with tag: cellphone
* TANGGALIN o ALISIN agad ang BATTERY ng inyong Cellphone kapag ito ay nabasa at HUWAG itong ibabalik hangga’t hindi napapatingnan sa Technician. HUWAG NG PATATAGALIN NG DALAWANG ARAW o higit pa upang hindi magkaron ng kalawang o amag ang mga piyesa at HUWAG BUBUHAYIN ANG SWITCH para hindi ma-grounded.
* Mas makabubuting i-TURN OFF ang Cellphone kapag kayo ay magcha-charge at i-charge lamang ito kapag nag-lo-low bat na o kaya ay nag battery empty.
* I-charge ng ISA hanggang DALAWANG ORAS lamang ang Cellphone upang hindi ma-over charge na ikasasanhi din ng pagkasira ng Cellphone at ng battery nito.
* HUWAG ilagay ang Cellphone sa bulsa na medyo masikip upang hindi mag MOIST o MAGPAWIS ang loob ng CP sapagkat kapag naipon ang pawis ay para na ding nabasa ang inyong CP. Ito din ang nagiging sanhi ng pagkabasag ng LCD.
* HUWAG SUNDUTIN NG BALLPEN o anumang matutulis na bagay ang switch ng inyong CP kung sakaling nasira na ang rubber switch nito dahil maaaring tamaan ang board ng CP.
* Kapag hindi mapindot ang letter or number o kaya ay iba ang lumalabas na letra kapag kayo ay nagtetext, HUWAG PILITIN sapagkat maaari ding masira ang board ng inyong Cellphone. Mas makabubuting ipalinis ang inyong KEYPAD.
|